Lalaki, arestado sa Drug buy bust operation

51

Pagadian City, Zamboanga del Sur—–Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit at pulisya sa Purok Upo, Brgy Balintawak, Pagadian City, alas-6 kagabi.
Nag-ugat ang operasyon sa report ng mga residente sa lugar na di umanoy lantarang pagbebenta ng droga ng suspek na si Anwar Lagaig, 28 anyos, residente sa Brgy. Santiago sa naturang lungsod. Aabot sa apat na sachet ng shabu ang nakumpiska sa kanya, kasama na ang P500 buy-bust money.
Ang nasabing suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug act of 2002 at nakakulong na ngayon sa himpilan ng pulisya. (Kenneth Bustamante-dxpr News Team)

Facebook Comments