14 na bilanggo, nakatakas sa Jolo Municipal Police station; tatlo rito, patay habang isa sugatan sa isinagawang pursuit operation

78

Jolo, Sulu – Patay ang tatlong preso habang isa ang sugatan sa isinagawang pursuit operation ng Jolo Municipal Police Station.

Kinilala ang mga nasawi na sina Julbig Alinjani, Budda Basali at Midzfar Sabli habang ang sugatan ay si Gummi J. Maimbung.

Una rito, labing-apat (14) na bilanggo ng Jolo MPS detention cell ang nakatakas kaninang ala 1:25 nang madaling araw.

Sampu pa sa mga nakatakas ang patuloy na tinutugis ng mga otoridad na kinilalang sina:

1. Makrim j. Habbisi
2. Alsimar A. Basali
3. Nasir S. Maldam
4. Albin A. Alibasa
5. Julhaber H. Sariol
6. Benjie L. Pandoga
7. Mustafa A. Sarapuddin
8. Haber S. Kasim
9. Benjamine Baker
10. Tano W. Hadjula

Halos lahat sa kanila ay may kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 maliban kay Habbisi na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nagpahiram na rin ng K-9 at drone ang AFP para mapabilis ang pag-tukoy sa lokasyon ng mga pugante.

Iniimbestigahan na ng PNP-SOCO ang dahilan kung bakit nakatakas ang mga preso.

Facebook Comments