Lalaki, Arestado sa Kasong Attempted Rape sa Burgos, Isabela

289

Arestado ang isang lalaki matapos itong silbihan ng mandamyento de aresto pasado alas diyes kaninang umaga sa Brgy. San Miguel, Burgos, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Duyan Ogoy, 32 anyos, may asawa, laborer at residente ng Brgy. Villa Pascua, Diffun, Quirino.


Dinakip ito matapos isilbi ng mga otoridad ang kanyang warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Dulnuan ng RTC 2nd judicial region branch 31 sa kaso nitong attempted rape.

Pansamantala naman itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P 24,000. Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Burgos ang naturang akusado.

Facebook Comments