Duterte nakita sa isang resto sa BGC

1540

Namataan si Pangulong Rodrigo Duterte na masigla habang papalabas sa isang Chinese restaurant sa Bonifacio Global City bandang alas-10 ng gabi nitong Lunes.

Sa inilabas na ulat ng Inquirer.net, nakasuot ang Pangulo ng casual black shirt at pants, habang nakapaloob ang dalawang kamay sa bulsa. Kasama niya ang kanyang close-in bodyguards na naka-checkered polo shirts at apat na iba pa na pawang naka-full battle gear.


Saglit na napahinto ang daloy ng sasakyan sa lugar ng restaurant pasado alas-8 ng gabi.

Ayon pa sa kanilang report, naging mahigpit ang seguridad sa lugar. May nakatabi ring ambulansiya, bilang bahagi ng standard procedure, sa President’s security vehicles.

“Si President po,” ang sagot ng ilang security personnel nakatayo malapit sa restaurant nang tanungin kung sino ang nasa loob ng establisyimento.

Nakita ang Pangulo sa BGC isang araw matapos lumabas sa internet ang mga litrato at videos na nagpapakitang hirap maglakad ito at halos mawalan sa balanse.




Napansin ding natutulog siya sa graduation rites ng Philippine Military Academy Class of 2019.

Kamakailan, naging maugong ang balita sa social media sites na dinala si Duterte sa Cardinal Santos Medical Center matapos hindi magpakita sa publiko mula nung midterm elections noong Mayo 13.

Facebook Comments