
CAUAYAN CITY- Arestado ang matagal ng pinaghahanap na indibidwal na wanted sa kasong paglabag sa Section 5, RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2002 sa Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.
Kinilala ang akusado na si alyas “Renz”, nasa wastong edad, at residente ng nabanggit na lalawigan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ni Fe Albano Madrid, Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 21, Santiago City noong ika-3 ng Hunyo taong 2008 sa kasong VAWC na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P24,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Unit at Santiago City Police Office Station 1.
Facebook Comments