LALAKI, ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA

CAUAYAN CITY- Napasakamay na ng mga otoridad ang isang lalaking tinaguriang top 7 most wanted person sa kasong panggagahasa sa Brgy. Camaal, Quirino, Isabela.

Kinilala ang suspek na si “Pepito”, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na lalawigan.

Naaresto ang suspek matapos mahainan ng mandamiento de aresto sa kasong rape at walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Quirino Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments