Lalaki, Arestado sa Kasong VAWC sa San Mariano, Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki na Top 2 Wanted Person Municipal Level sa ilalim ng Manhunt Charlie ng mga awtoridad bandang 12:30 kaninang tanghali sa Brgy. Casala, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Nolie Cabrejas, 54 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Mariano, dinakip si Cabrejas sa bisa ng warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 Ilagan City para sa kasong RA 9262 o Violence Against Women and Children.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P72,000.00.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang akusado para harapin ang reklamo laban sa kanya.

Facebook Comments