Lalaki, Arestado sa Paglabag sa VAWC Law!

125

Ilagan City, Isabela – Nasa kamay na ng kapulisan ang isang lalaki na may kasong paglabag sa R.A. 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004,”nang ito’y maaresto bandang 7:35 ng umaga sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Noel Mallanao, Sr., 47 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Lorenzo, City of Ilagan, Isabela.


Dinakip ng mga tauhan ng PNP Ilagan si Mallanao sa bisa ng Order of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo B. Dizon ng RTC Branch 18 – Ilagan City, Isabela dahil sa kinakaharap nitong kaso.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makapaglalagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng P72,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers