Ilang PBA players, boluntaryong nakisali sa practice ng Gilas

Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao ang pag-boluntaryo ng ilang PBA players para makasali sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

 

Ayon kay Guiao malaking tulong ang pagsaling ng mga ito para lalong mapaigting ang paghahanda ng gilas sa nalalapit na FIBA World Cup sa August 31.

 

Ilan aniya sa mga nagboluntaryo ay sina San Miguel Beermen guard Chris Ross at NLEX veteran Asi Taulava.


 

Matatandaang una na ring nagboluntaryo sina Beau Belga at Stanley Pringle pero isinama na sila ni Guiao sa 19-man pool ng Gilas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments