Pintor na nakabangga ng babae sa Maynila, nakuhanan ng ilegal na droga

Isang pintor ang aksidenteng nahulihan ng shabu nang makasagi ng isang babae habang nagmomotor sa Sampaloc, Maynila.

Nakuha mula sa suspek na si Ronnie Bacalso, 38 years old, ang 20 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 102 thousand pesos.

Agad naman na dinala sa ospital ang nabangga nitong babae na si Catherine Flores, 35 years old.


Nagkataon din na nagsasagawa ng surveillance operation ang mga police nang mangyari ang insidente.

Agad na kinapkapan ang suspect at nakuha sa sling-bag nito ang shabu at siya ay inaresto ng mga awtoridad.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries sa Manila City Prosecutors’ Office.

Facebook Comments