Lalaki, Arestado sa Pagpapaputok ng Baril!

27

San Mateo, Isabela – Arestado ang isang lalaki matapos magpaputok ng baril sa kalapit nitong sari-sari store sa Barangay Marsat Pequenio, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si John Estabillo, trentay otso taung gulang, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP San Mateo, nakatanggap umano ang kanilang himpilan ng tawag galing sa may-ari ng sari-sari store na umanoy nagpaputok ng baril ng tatlong bese ang suspek.

Agad na nagresponde ang kapulisan maging ang mga opisyal sa barangay at napag-alaman na positibo ang suspek sa alak samantalanang nakuha naman mula sa pag-iingat ni Estabillo ang magnum caliber revolver, ttalong fired cartiridges at limang bala.

Agad namang dinala si Estabillo sa himpilan ng kapulisan para sa kanyang kaukulang dokumentasyon

Facebook Comments