Lalaki, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

92

*Cauayan City, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na kabilang sa drug watchlist ng PNP San Mateo matapos itong madakip sa buybust operation ng mga otoridad* sa *Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Richard Limon, 31 anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.


Nadakip si Limon matapos na magpositibo sa inilatag na transaksyon ng mga operatiba kung saan nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang isang libong piso (P1,000.00) na marked money.

Nahaharap ngayon si Limon sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments