Lalaki, arestado sa panghahablot ng cellphone sa Sampaloc, Maynila

68

Kalaboso ang isang lalaki matapos masakote nang manghablot ng cellphone sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Ariel Guzman, 35 anyos at residente ng Aguinaldo Street, San Miguel, Manila.

Sa imbestigasyon, sakay ng pampasaherong jeep ang biktimang si Princess Pulhin at ang suspek kung saan pagsapit ng M. Dela Fuente at G. Tuazon Street ay biglang hinablot ni Guzman amg cellphone ng dalaga.


Mabilis na tumakbo ang suspek pero agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrolyang pulis kaya’t nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang kawatan.

Dito na nabawi ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng ₱6,000.

Desidido si Pulhin na sampahan ng kaso ang suspek upang hindi na ito makapangbiktima pa ng iba.



Facebook Comments