Philippine Airlines, magdadagdag ng international flights kasabay ng paglawak ng green list

Tiniyak ng Philippine Airlines na magdadagdag ito ng international flights matapos na madagdagan ang mga bansang nasa green list ng Pilipinas.

Inaasahan kasing dadagsa ang mga pasahero mula sa iba’t ibang bansa lalo na ngayong Christmas season.

Kabilang sa mga bansang nadagdag sa green list ay ang mga sumusunod:


• Indonesia (Jakarta)
• Hong Kong
• Mainland China
• Japan (Tokyo Haneda, Tokyo Narita, Fukuoka, Osaka Kansai, Nagoya)
• Saudi Arabia (Dammam, Riyadh)
• Taiwan (Taipei)
• United Arab Emirates (Dubai)

Nangangahulugan ito na ang mga pasaherong fully-vaccinated mula sa mga bansang nasa green list ay hindi na kailangang sumailalim sa quarantine sa facility-based quarantine.

Gayunman, pinapayuhan sila na sumailalim agad sa RT-PCR test pagdating sa Pilipinas at mag-home quarantine.

Facebook Comments