LALAKI ARESTADO SA PANINIRA NG CCTV CAMERA SA BARANGAY SA BAUTISTA

Arestado ang isang lalaki matapos sirain ang mga CCTV camera na naka-install sa isang barangay sa Bautista, Pangasinan kahapon, Disyembre 31, 2025.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Poponto bandang alas-otso ng umaga.

Natuklasan ng isang residente na sira ang dalawang CCTV camera na nakakabit sa lugar.

Sa beripikasyon ng mga nakuhang CCTV footage, nakita na sinira ng suspek ang mga camera sa pamamagitan ng pamamato ng mga bato

Ang insidente ay malinaw na naitala sa mismong CCTV.

Ang suspek ay isang 29-anyos na lalaki, isang aircon installer at residente ng Bautista.

Siya ay naaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bautista Municipal Police Station para sa kasong qualified malicious mischief.

Facebook Comments