Lalaki, arestado sa Quezon City matapos makuhaan ng hinihinalang shabu na itinago sa pakete ng sigarilyo

20

Tiklo ang isang lalaki matapos na makuhaan ng hinihinalang shabu sa Valencia Street malapit sa Corner N. Domingo Street sa Brgy. Valencia Quezon City kaninang umaga.

Sa ulat ng Cubao Police Station, ang naarestong suspek ay si Rodolfo  Dinero,  42 anyos, walang trabaho at residente ng  Valencia Street Brgy. Valencia, Cubao, Quezon City.


Pasado alas 9:00 ng umaga kanina, nagsasagawa ng Anti-criminality Campaign ang mga pulis sa Brgy. Valencia nang makita ang suspek na naninigarilyo sa pampublikong lugar kaya pinagsabihan ito.

Pinagsabihan din ito ng mga pulis na itaktak ang laman ng pakete ng sigarilyo kaya tumambad sa mga pulis ang dalawang maliit na sachet ng shabu at isang pakete ng sigarilyo.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments

From Advertisers