TINGNAN: Kambing na viral sa pagiging ‘gwapo’

161
11-month old goat Remus from Muhammad Livestock Farm, Malaysia

Kadalasan nagv-viral sa social media ang mga hayop o pet dahil sa natural na angking cuteness o kaya naman ay dahil sa galing nito sa tricks.

Pero kakaiba ang isang kambing mula sa Malaysia na tinalbugan ang internet-famous pets at walang kahirap-hirap na nag-viral dahil sa taglay na “kagwapuhan.”


Ibinahagi ng Muhammad Livestock Farm sa kanilang Facebook page ang photos ng 11-month old na si Remus na tila nakangiti pa sa camera.

Agree naman ang netizens sa caption ng uploader na nagsabing, “Because he’s handsome, we snap a lot of pictures.”

Umabot na ang post sa 1,800 reactions at 4,000 shares mula Hulyo 6.

Facebook Comments

From Advertisers