Santiago City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng isang Establishment Entertainment Worker (EEW) ng tangkang pang gagahasa.
Ayon sa report, nakatanggap ang PNP Station 1 Santiago City ng saklolo sa telepono pasado alas 4 ng umaga noong Disyembre 24, 2017.
Ang tawag ay mula sa biktimang kinilala sa pangalang Mary Rose Achieva, 26, dalaga, tubong Las Piñas City at nagtatrabaho bilang EEW.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PNP Station 1 at naaresto ang inirereklamong kinalalang si Jayson Bacangan, 34, binata, magsasaka at residente ng Sagada, Mountain Province.
Batay sa imbestigasyon, inaya umano ni Bacangan ang biktima kasama ang isa pa nitong katrabaho na kinilalang si Jessa Gonzaga, 23, at pawang taga Las Piñas City rin.
Kumain sa isang tapsilogan ang paanyaya umano ni Bacangan subalit laking gulat ng mga biktima ng sa isang hotel sila dinala.
Sinubukan umano ni Achieva na magpaalam subalit pinigilan ito ng suspek bagkus ay pinaghuhubad niya ito ng damit.
Nang hindi sumunod ang biktima puwersahang tinanggal ng suspek ang shorts nito.
Nagawa namang pagtulungan ng mga biktima ang suspek dahilan upang makatawag ng saklolo.
Sa nangyaring pakikipagbuno sa suspek nagtamo ng sugat si Gonzaga dahilan naman upang sampahan si Bacangan ng paglabag sa RA 8353 at Physical Injury.
Update: Sa mismong paanayam ng RMN Cauayan News Team sa biktimang si Mary Rose Achieva ngayong araw Disyembre 28, 2017, kanila na umanong iniurong ang kaso dahil naawa sila sa pamilya ng suspek.