Lalaki, binaril ng sariling ama nang hindi ito magbigay ng pera

3532

Haharap sa kasong attempted parricide at illegal possession of firearm ang isang 60-anyos na lalaki matapos nitong paputukan ng baril ang kanyang 32-anyos na anak.

Nangyari ang insidente sa Barangay Medina, Dingras, Ilocos Norte, Lunes ng hapon.


Ayon sa ulat, nagsimula raw ang pamamaril nang hindi bigyan ng pera ng anak ng pera ang kanyang tatay na nanghihingi raw ng pambili ng motorsiklo.

Ngunit hindi raw naniniwala ang lalaki sa sinasabi ng kanyang ama at hinala niya ay mayroong humuhuthot ng pera dito.

Ipinagtatakaw rin daw niya ang mabilis na pagkaubos ng pera nito kaya mas hindi siya nakumbinseng magbigay.

Maswerte namang hindi tinamaan ang naturang anak.

Facebook Comments

From Advertisers