Lalaki ,Binaril sa Ulo ng Dalawang Beses Habang nasa Peryahan!

Quezon, Isabela – Binaril ng dalawang beses sa ulo ang isang lalaki sa oras na alas syete kwarentay singko ng gabi, Abril singko, taong kasalukuyan sa isang peryahan ng Arellano, Quezon, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Robert Kimmayong Gamlosen, trentay otso anyos, may kinakasama at residente ng naturang lugar.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay PO3 Waltson Malayao, Officer-In- Charge ng nasabing kaso sa PNP Quezon, nabatid na naglaro umano ang biktima ng drop ball sa peryahan at nang hindi nagtagal ay may lumapit na isang lalaking nakahelmet at pinagbabaril ng dalawang bese ang ulo ni Gamlosen na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito sa kabila na may nagresponde na rescue.


Kaagad umano na umalis ang dalawang suspek na sumakay sa isang itim na motorsiklo patungong norte at kanluran na direksyon.

Sinabi pa ni PO3 Malayao na basyo ng kwarentay singko na baril ang nakita sa lugar ng pinangyarihan na hanggang sa ngayon ay blangko pa ang motibo ng pagpaslang.

Samantala ang bikrima ng pamamaril ay isang drug responders ng Quezon at nakatapos na sa CDRP noong buwan ng Marso.

Facebook Comments