Lalaki binaril sa ulo, Patay!

Patay ang isang lalaki sa kaso ng pamamaril sa bahagi ng Jose Lim Area sa Cotabato City, alas onse kurentay singko kaninang tanghali.
Kasalukuyang nasa morgue na ng CRMC ang di pa rin nakilalang biktima na kasuot ng green tshirt at maong na pantalon.
Sinasabing riding in tandem criminals ang responsable sa pamamaril. Gamit ng mga ito ang kalibre 45 base na rin sa empty shells na narecover sa crime scene. Headshot ang natamo ng biktima.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan.(Rahib Bansao)

Facebook Comments