Lalaki, Dinakip matapos Gahasain ang 8-anyos na Bata

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki sa bisa ng Warrant of Arrest matapos umano nitong gahasain ang isang 8-anyos sa Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang akusado na si Alfredo Tamayao Tuliao alyas ‘Absul Jabbar’,54-anyos at residente sa nasabing bayan ngunit tubong Iguig, Cagayan.

Base sa report ng PNP, si Tuliao ay inakusahang nanggahasa ng walong (8) taong gulang na babae sa Brgy. Quirino, Solano noong umaga ng May 17,2020.
Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito sa halagang P200,000.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Solano ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

📸PRO2


Facebook Comments