2 Menor de Edad na Pinagnakawan ang Simbahan, Arestado

Cauayan City, Isabela- Dalawang menor de edad na lalaki ang dinakip ng mga otoridad sa bisa ng Warrant of Arrest matapos umanong sirain at pagnakawan pa ang isang simbahan nitong buwan ng Pebrero 2021 sa Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas James, 16-anyos, residente ng Brgy. Curifang at Randy, 17-anyos, residente naman ng Brgy. Quezon sa naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, kabilang sa listahan ng Top 8 at 9 Provincial Level Most Wanted Person ang dalawang menor de edad.


Nahaharap ang dalawa sa kasong Roberry in an Uninhabited House or Public Building or Edifice Devoted to Worship.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ng mga suspek sa halagang P120,000 bawat isa.

Ipapasakamay sa kustodiya ng DSWD ang dalawang menor de edad.

📸PRO2

Facebook Comments