Lalaki, Dinakip sa Pag-iingat ng Pake-paketeng Shabu

29

Cauayan City, Isabela- Kalaboso ang isang lalaki dahil sa pagbebenta nito ng iligal na droga sa La Paz, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang suspek na si John Mathew Recierdo, 21 taong gulang, High Value Individual priority list ng PNP, tubong Lipa, Batangas at residente ng Brgy. Apanay, Alicia, Isabela.

Sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad, nakuha mula sa Recierdo ang labing apat (14) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu; labing dalawang (12) plastic sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana; isang (1) unit ng Caliber 38 na baril na may kasamang apat nab ala; isang (1) piraso ng Php1,000 bill at apat (4) na piraso ng tig-isang libong piso na boodle money.


Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na kasalukuyang na kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments