Nets, pasok na sa NBA Eastern Conference playoffs matapos talunin ang Raptors

Nasungkit ng Brooklyn Nets ang kauna-unahang playoffs spot para sa Eastern Conference matapos talunin ang Toronto Raptors sa score na 116-103.

Nanguna sa Nets si Kevin Durant na nagtala ng 17 points, 10 rebounds at apat na assists.

Nagdagdag naman si Jeff Green ng 22 points at si Blake Griffin ng 17 puntos.


Nasayang naman ang nagawang 24 points at anim na assists ni Kyle Lowry para sa Raptors.

Facebook Comments