Lalaki, Huli matapos Mapagbentahan ang isang Pulis ng Droga

127

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation dahil sa iligal nitong aktibidad bandang alas siyete kaninang umaga sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.


Nakilala ang suspek na si Michael Castillo, 29 anyos,may asawa, isang driver at residente ng Brgy. Del Pilar sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan, dinakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 2 at PNP na aktong nagbebenta ng iligal na droga matapos magpanggap ang otoridad na poseur buyer na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa pag iingat ni Castillo ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu, isang libong piso (P1,000.00) na buy bust money.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.

Facebook Comments