LALAKI, HULI SA AKTONG NAGBEBENTA NG ILLEGAL NA DROGA SA BAYAMBANG

Himas rehas ngayon ang isang 33 anyos na lalaki matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng illegal na droga sa Bayambang.

 

Ikinasa ang anti-illegal drug operation laban sa suspek sa Brgy. Buayaen pasado 4:00 ng hapon.

 

Nakumpiska ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nasa apat na gramo at nagkakahalaga ng P27, 200, isang pakete ng sigarilyo, selpon at buy bust money.

 

Nasa kustodiya na ngayon ng Bayambang Municipal Police Station ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments