Lalaki, Huli sa Kasong Pagnanakaw sa San Isidro, Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP San Isidro, CIDG at Santiago City Field Unit ang isang lalaki sa Brgy. Ramos West, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alvin Bugarin, 24 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dinakip si Bugarin matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Anastacio Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City para sa kasong Qualified Theft.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P40,000.00.

Nananatili naman sa kustodiya ng mga awtoridad si Bugarin upang harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments