*Cauayan City, Isabela*- Umabot sa 28 piraso ng iligal na pinutol na kahoy ang nasabat ng pulisya mula sa isang lalaki na lulan ng kolong-kolong sa Brgy. Caquilingan, Cordon, Isabela.
Nakilala ang suspek na si Danilo Esteban, 41 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Cordon, kinumpiska ang nasabing mga kahoy matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki ang iligal na may dala dalang kahoy kaya’t agad na ikinasa ang checkpoint.
Lumabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na walang maipakitang mga dokumento ang nasabing suspek ng hingan ito kaugnay sa mga Gmelina Lumber na nakalagay sa kanyang kolong-kolong.
Agad namang inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong Presidential Decree 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.