Lalaki, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga!

121

*Ilagan City, Isabela-* Arestado ang isang lalaki sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot bandang alas kuwatro ng hapon kahapon partikular sa isang Gas Station sa Brgy. Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Nicolai Andrew Gonzalez, trentay sais anyos, may asawa at residente ng Brgy. Lullutan, Ilagan City.


Nadakip ang suspek sa ikinasang drug buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Ilagan City Police Station, PDEA R02 at SET N orthern Isabela.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang libong piso na buy bust money at isang unit ng cellular phone.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng PNP ILAGAN ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Samantala, nilinaw naman ni P/Lt. Col. Arnulfo Ibañez, Hepe ng PNP Ilagan na hindi empleyado ng LGU Ilagan ang nahuling suspek bagkus ay nag-aapply pa lamang ito.

Facebook Comments