Lalaki, Huli sa Pagbebenta ng Marijuana

Cauayan City, Isabela- Tuluyang inaresto ng mga alagad ng batas ang isang lalaki matapos magpositibo sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad kagabi sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Kelvin Lamog, 31 taong gulang, may-asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Daramuangan Norte sa bayan ng San Mateo.

Una rito, nagsagawa ng buy bust operation ang mga kasapi ng PNP San Mateo laban sa suspek na kung saan ay nabentahan umano ng suspek ang isang poseur buyer ng isang (1) sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops na nagresulta sa pagkakahuli nito.


Nakuha naman sa pag-iingat ng suspek ang Php500.00 na buybust money at isa (1) pang sachet na naglalaman ng hinihinalang dried marijuana.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek at siya ay mahaharap sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments