Wanted sa Kasong Bigong Pagpatay, Arestado

26

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 5 Most Wanted Municipal level sa pamamagitan ng pagsisilbi ng warrant of arrest sa Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Michael Jordan Addam, 25 taong gulang, walang asawa, at residente rin ng nabanggit na barangay.

Dinakip si Addam sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ni hukom Rodolfo B. Dizon, ng RTC Branch 18, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong frustrated murder o bigong pagpatay.

Nasa halagang Php200,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay na sa court of origin.

Facebook Comments