Lalaki, ibinitay ang tuta sa puno dahil wala raw magawa

1740
Stock photo

Binigti sa puno at binidyuhan pa ng isang lalaki sa Texas, USA ang isang tuta dahil umano sa kabagutan, ayon sa pulis.

Himas rehas ang 21-anyos na si Claudio Gomez noong Biyernes sa kasong pagmamalupit sa hayop na may kaukulang parusa na dalawa hanggang 10 taon sa kulungan.


Ayon sa post ng Hidalgo County Sheriff’s Office, nadakip si Gomez noong Miyerkules dahil sa bidyo ng insidente na ini-upload pa sa Facebook.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang pagbitay sa tuta na patay na nang matagpuan ng awtoridad.

Tumanggi naman ang abogado na magbigay ng komento hanggang hindi pa raw nakakausap si Gomez.

Facebook Comments