Bumungad ang napakaraming pagbabago sa isang lalaki sa Vermont, US nang makabalik ito matapos ang 75-araw na “meditation” sa isang liblib na lugar.
Walang ideya si Daniel Thorson, 33, sa kumakalat na coronavirus pandemic na kumitil na ng ilan-daang libong buhay sa buong mundo.
Hindi rin niya akalaing kasalukuyan nang nagkakaroon ng kilos protesta laban sa mga pulis dahil sa pagkamatay ng isang black man na si George Floyd.
Naging usap-usapan online si Thorson nang magpost ito sa Twitter ng kanyang pagbabalik.
Aniya, “I’m back from 75 days in silence. Did I miss anything?”
I'm back from 75 days in silence. Did I miss anything?
— Daniel Thorson (@dthorson) May 23, 2020
Mayo 23, matapos ang dalawa’t kalahating buwan nang pag-iisa sa liblib na lugar, nanatili sa isang kubo sa northwest Vermont.
Nang makapanayam ng New York Times, una raw napansin ni Thorson ang kakaibang pakiramdam nang magtungo siya sa supermarket at makita ang lahat habang isinasagawa ang social distancing guidelines.
“People at the grocery store seem more anxious than I remember,” tweet niya noong Mayo 26.
“I would turn a corner in the grocery store, and someone would be there, and they would recoil,” sagot naman niya sa panayam.
Dito na umano siya nagpasyang magbasa online ng mga kaganapan kaya napagtanto niya kung gaano katinding krisis na ang pinagdaraanan ng mundo dahil sa pandemic.
Marami naman ang nagbigay ng komento tungkol sa kanyang post.
“Write a journal about what you notice and the most mundane observations as the world has changed quite considerably and it would be of some interest to others to have perspective of person that just found out about all this now (assuming you had no news on retreat),” saad ng isang commenter.
Biro naman ng isa, “I feel like we should be asking you that question?”
Giit niya, punong-puno raw siya ng tanong at pagtataka.
Dagdag niya, “I don’t know what they expect me to say.”