Isang lalaki sa United Kingdom ang nagpakita sa guwardya ng “10-inch” niyang ari para patunayang wala siyang ipinuslit sa clothing store.
Pinaratangan ng manager na may itinago sa pantalon ang 47-anyos na si Steve Whitehurst nang mamili sa Scotts Menswear nitong Setyembre 22, ayon sa ulat ng The Sun, Setyembre 25.
Matapos mabayaran ang £400 (P25,000) halaga ng mga pinamili, pinigilan umanong umalis si Whitehurst dahil may kung ano sa kanyang pantalon.
Depensa ng customer, hapit ang suot niya noong araw na iyon at bakat ang kanyang ari.
“I can’t help the way I’m made,” aniya.
Habang nakikipagtalo sa manager, ibinaba raw ni Whitehurst ang kanyang pantalon at ipinakita na walang nakatago sa boxers niya.
Gayunpaman, hindi pa rin daw kumbinsido ang manager kaya boluntaryo siyang pumasok sa fitting room para tanggalin sa harap ng lalaking guwardya ang pantalon niya.
Pinayagan lang umano siya umalis nang humingi na siya ng refund, saad niya sa Stroke-on-Trent Live, Setyembre 27.
Aminado si Whitehuhrst na uminit ang ulo at tinawag na “bitch” ang manager sa huli, pero iginiit na kalmado siya noong una.
Kinabukasan, nakipag-usap sa guwardya ang customer at naghabol ng paumanhin mula sa kompanya.
“I felt like I was a little man, be it one with a large penis, against this big corporate company. It’s so frustrating,” aniya.
Samantala, ayon sa isang source ng The Sun, may dahilan para paghinalaan ng shoplifting si Whitehurst–dinadampot at hinuhulog daw nito ang mga damit, at nakitaan pa ng nawawalang electronic tag sa jacket na sinukat niya.
Agresibo rin daw ito nang sitahin noong una.
Ayon pa sa source, kahit pa sinasabi ng customer na sadyang “malaki” lang ang kanya, hamak na maliit daw ito base sa pagkakatanda ng isang staff.
“The customer in question was exhibiting suspicious behaviour and, when the store manager confronted the customer, he became abusive,” pahayag ng JD Sports na nagmamay-ari sa Scotts Menswear.
Paglilinaw pa ng kompanya, walang nagsabi sa kanya na magtanggal ng suot.
Humingi naman na ng paumanhin ang clothing store na tinanggap din ng customer.