Lalaki, inatake sa puso matapos umanong malaman na hindi napasama sa SAP

Nasawi ang isang lalaki mula Tagum City, Davao matapos atakihin sa puso nang malaman umanong hindi siya mabibigyan ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon sa saksi na si Ryla May Lapudji, sumama umano ang loob ni Lolito Estelloso Jr., 49, isang ice cream vendor, nang malamang wala raw ang kanyang pangalan sa mabibigyan ng subsidy habang sila ay nasa Department of Interior and Local Government office sa Capitol compund ng lugar noong Biyernes.

Kwento ni Lapudji, nagalit daw ang biktima dahil halos lahat daw ng kapitbahay nito ay nabigyan ng ayuda maliban sa kanya na naghahanapbuhay lang daw bilang sorbetero.


Nang mangyari ang insidente ay agad na isinugod sa ospital si Estelloso Jr., ngunit kalauan ay binawian din ito ng buhay.

Samantala, ayon naman sa misis ng lalaki, hindi raw umiinom ng gamot ang kanyang mister ngunit nasa lahi raw talaga nila ang sakit na hypertension.

Sa ngayon ay ginagawan na umano ng paraan ang pagbibigay ayuda ng Tagum City LGU para sa pamilya ng biktima.

Facebook Comments