Lalaki, instant milyonaryo dahil itinaya ang napanaginipang numero

2985

Nanaginip, tumaya, naging milyonaryo.

Naging dream come true ang kahilingan ng isang 50-anyos na laki matapos tumama sa Mega Lotto 6/45 ang napanaginipang numero na kaniyang itinaya.


Ayon kay Rovina Garma, General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha na ng bagong milyonaryo ang napanalunang premyo na pumalo sa P22 million.

Aniya, dalawang dekada nang tumataya sa lotto ang lone bettor na nagtratrabaho bilang sales representative.

Kuwento ng masuwerteng mananaya sa PCSO, bigla niyang naalala ang mga numerong nakita sa panaginip nang pindutin ng mga nakasabay sa elevator ang winning numbers sa lotto.

Lumabas ang winning combination na 19-07-09-06-22-16, sa ginanap na draw nitong Nobyembre 16.

“Tatlong araw niyang sunod-sunod na tinayaan bago siya manalo sa isang outlet sa Makati City,” pahayag ni Garma.

Facebook Comments

From Advertisers