Sa Zamboanga del Sur, anak ng isang magsasaka at kasambahay, di parin makapaniwala nang mag-top 5 sa agriculturist exam

 

 

Hindi pa rin makapaniwala ang Zambosurian student nang hihirangin itong topnotcher sa inilabas na resulta ng 2019 Agriculturist Licensure Examination.

 

Sa exclusive interview ng RMN-Pagadian Jese Naldoza, sinabi nito na nasorpresa siya ng malaman na panglima siya sa naturang eksaminasyon na nakakuha ng 88.50%.

 

Aniya napaiyak na lamang siya sa tuwa dahil hindi nito inaasahang mangingibabaw siya sa higit 13,000 na mga estudyante kumuha ng licensure exam.


 

Inihayag nito na labis-labis ang kaniyang pasasalamat sa Diyos at sa kaniyang pamilya at kaibigan dahil sa ipinaramdam na suporta sa kaniya.

 

Aminado rin ito na hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaanan sa pag-aaral hanggang sa ito ay makapagtapos sa JH Cerilles State College Dumingag Campus.

Facebook Comments