Lalaki, Ipinakulong ng Kapatid matapos bigyan ng konting Pera

109

*Cauayan City, Isabela*- Agad na nakapagpiyansa ang isang lalaki sa kasong kinakaharap nito na estafa matapos silbihan ng warrant of arrest kanina sa Brgy. Macayu-cayu, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Roberto Bunagan, 58 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa naging panayam 98.5 iFM Cauayan kay Staff Sergeant Rogelio Ignacio ng PNP San Mariano, lumabas sa imbestigasyon na sinampahan ng kaso ng kanyang mismong kapatid matapos na bigyan lamang ng halagang 15,000 nang makuha ang pera na inilakad umano nito dahil sa naging biktima ang kanilang magulang ng Martial Law.

Ipinalabas ang mandamiento de aresto nito ni kagalang-galang hukom Alfred Alex Castillo ng 6th MCTC na may petsang Oktubre 8, 2019.

Sa ngayon ay magpapatuloy pa rin ang kaso laban dito.

Facebook Comments