Lalaki, kinitil ang asawa saka nagpakamatay dahil sa takot na mayroong coronavirus

CHICAGO – Patay ang isang mister sa isang murder-suicide matapos nitong kitilin ang kanyang misis at kalauna’y ang kanyang sarili dahil sa takot na mayroon silang coronavirus.

Sa inilabas na pahayag ng Chicago police noong Huwebes, nakatanggap umano sila ng tawag para sa isang welfare check kung saan tumambad ang bangkay ng dalawa na nakitaan ng sinyales ng trauma sa ulo.

Ayon sa pulisya, lahat daw ng pinto at bintana ng bahay ay nakakandado at pinilit lamang nilang pasukin ito.


Namataan ang bangkay ng mag-asawang sina Patrick Jesernik, 54, at Cheryl Schriefer, 59, sa magkaibang silid na parehong may tama sa ulo.

Base sa salaysay ng lalaking tumawag sa awtoridad, nakiusap raw ang ina ni Jesernik na tingnan ang kanilang anak.

Sa kwento ng pamilya nito, kalaunan daw ay natatakot ang anak na baka mayroon itong COVID-19 dahil dalawang araw ang nakararaan ay sumailalim ang kanyang asawa sa test dahil sa hirap nito sa paghinga.

Ngunit lumalabas sa autopsy na parehongb negatibo sa coronavirus ang mag-asawa.

Nagtamo ng tama sa likod ng ulo si Cheryl na sinasabing dulot ng homicide habang suicide naman ang kanyang asawa.

Facebook Comments