Stock na Bigas, Sapat ayon kay Isabela Governor Albano!

36

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Isabela Governor Rodito Albano III na sapat pa rin ang supply ng bigas sa Lalawigan.

Sa pahayag ni Gov. Albano, marami pang stock ng bigas ang ating Lalawigan at kaya pang pakainin ang mga Isabelino sa kabila ng nararanasang krisis sa COVID-19.


Kaugnay nito, nauna nang nabigyan ng bigas ang mga empleyado ng kapitolyo at inaasahan rin aniya na susunod na ring mabigyan ang mga empleyado ng gobyerno maging ang mga frontliners.

Umaasa ito na magkakaroon din ng rice allocation para sa mga mamamayan na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments