Lalaki, kritikal sa pananaksak sa Pasay City

35

Manila, Philippines – Inoobserbahan ngayon ang kalagayan ng isang 36-anyos na lalaki matapos pagsasasaksakin ng kanyang matagal nang kaalitan sa Pasay City.

 

Ginagamot ngayon sa Pasay City General Hospital sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reynaldo Panganiban Jr., alyas Enan, construction worker at residente ng Pag-Asa St., Brgy.189, Zone 19 ng nasabing lungsod.

 

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad lang umano si Panganiban sa Cadena de Amor Street kanto ng Carnation Street nang abangan ng suspek na si alyas ‘Toto’ at inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan bago tumakas.

 

Sinasabing matagal nang magkaalitan ang dalawa dahil ang kasalukuyang live-in partner ng suspek ay dati namang kinakasama ng biktima.

 

Nagpapatuloy ang follow-up operation ng Pasay City Police para sa agarang ikinadarakip ng suspek.



Facebook Comments