Alvarez, nanghihikayat para sa aregluhan sa mga tax evasion case

78

Manila, Philippines – Hinimok ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga tao ni Pangulong Duterte na maging bukas din sa out-of-court settlements sa isyu ng tax evasion ng malalaking kumpanya.

 

Ayon kay Alvarez, tama naman ang Pangulo na masyadong mahaba at matagal ang proseso kung idadaan pa sa korte ang mga kasong ito.

 

Mas praktikal aniya ang aregluhan para mapakinabangan na ang pera para sa social services.

 

Unang pinaboran ni Pangulong Duterte ang compromise deal sa tax case ng kumpanyang Mighty Corporation.

 

Pwede aniyang gamitin ang 3 bilyong pisong ibabayad nito sa gobyerno para sa pagpapatayo ng mga ospital sa Basilan, Sulu at Tondo.

 

Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) ng 9.6 billion tax evasion ang Mighty Corp. dahil sa umano'y paggamit ng pekeng excise tax stamps sa kanilang mga produktong sigarilyo.



Facebook Comments