CAUAYAN CITY- Maswerteng nakaligtas ang isang drayber ng pick-up matapos madaganan ng trak ang kanyang sasakyan kaninang umaga sa Brgy. Balete, Diadi Nueva Vizcaya.
Kinilala ang drayber ng pick-up na si Edwin Ortiz, 59-anyos, residente ng Cordon, Isabela habang ang drayber ng wing van trak ay si Marvin Limon, 33-anyos, at residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng dalawang behikulo ang magkasalungat na direksyon kung saan pagdating sa bahagi ng inaayos na one lane, aksidente umanong nawalan ng preno ang trak dahilan upang dumiretso ito at matumba at madaganan ang paparating na pick-up.
Mabilis naman nakalabas sa pick-up ang drayber at kasamahan nito dahilan upang hindi sila masaktan o mapahamak.
Samantala, sa kasalukuyan ay naalis na ang mga behikulong sangkot sa insidente at maaari nang daanan ng mga motorista ang daan na ito.