Lalaki, muling nagpositibo sa COVID-19 matapos ang 10 araw mula nang makarekober

Matapos ang sampung araw mula nang makarekober sa COVID-19, muling nagpositibo sa sakit ang isang 82-anyos na lalaki sa Massachusetts, USA.

Sa report ng American Journal of Emergency Medicine, Abril nang maisugod sa Boston’s Massachusetts General Hospital dahil sa pagkakaroon ng mataas na lagnat.

Mabilis na lumala ang kondisyon ng hindi pinangalanang pasyente na mayroong diabetes, chronic kidney disease at high blood pressure.


Kalaunan ay nilagyan na ito ng ventilator at masuwerteng nakaligtas matapos ang 39 araw na pananatili sa ospital.

Bago tuluyang mapalabas ay dalawang beses na nag-negatibo sa COVID-19 ang lalaki.

Ngunit makalipas ang 10 araw ay muli itong isinugod sa emergency department ng ospital dahil sa lagnat at hirap na paghinga.

Matapos makuhanan ng X-ray kung saan nakita ang sintomas ng COVID-19, muli itong nagpositibo.

Ngunit matapos ang 15 araw ay mapalad na gumaling ang pasyente at na-discharge sa ospital.

Naniniwala naman ang ilang researchers na hindi pa talaga nakakarekober ng buo ang pasyente noong una itong gumaling mula sa virus.

Sabi ni Dr. Nicole Duggan, “Many viruses demonstrate prolonged presence of genetic material in a host even after clearance of the live virus and symptomatic resolution.”

“Thus, detection of genetic material by [a swab test] alone does not necessarily correlate with the active infection or infectivity,” dagdag nito.

Facebook Comments