Lalaki na 14 na Taon na Nagtago sa Batas, Arestado

135

*Cauayan City, Isabela*-Arestado ang isang magsasaka na Top 4 Provincial Level sa ilalim ng Manhunt Bravo ng pulisya matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito sa Brgy. Angassian, Ilagan City.

Kinilala ang akusado na si Warlito Pacheco, 60 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa nakalap na impormasyon mula sa Isabela Police Provincial Office, dinakip si Pacheco ng pinagsanib na pwersa ng PNP Ilagan, RIU2 at CIDT Isabela na nagresulta sa kanyang pagkaaresto at ipinalabas din ni kagalang galang hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br. 23 Roxas Isabela para sa kasong Pagpatay na may petsang February 2005.

Posibleng hindi na makalaya ang akusado dahil walang inirekomendang piyansa ang korte sa pansalamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments