Magsasaka na Tatlong Taong Nagtago sa Kaso ng Iligal na Droga, Natimbog

*Cauayan City, Isabela*- Huli sa ang isang magsasaka na Top 6 Municipal Level sa kaso ng iligal na droga matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Ricarte Norte, Diffun, Quirino.

Kinilala ang akusado na si Edgar Tolentino, 38 anyos, may asawa at residente ng Purok 4, Brgy. Wigan, Cordon, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cordon, habang bineberipika ng pulisya ang criminal records ng akusado ay napag alaman na mayroong nabinbing kaso si Tolentino na may petsang October 26, 2016 para sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 na ipinalabas ni kagalang galang hukom Efren Cacatian ng RC Br.35 Snatiago City.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P220,000.00

Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya si Tolentino upang harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments