Lalaki na 2 Linggo nang Nawawala, Ipinapanawagan sa Publiko!

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang isinasagawang hakbang ng mga otoridad upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lalaki na mag-dalawang Linggo nang nawawala.

Ito’y matapos ipanawagan ng kanyang pinsan na kinilalang si Kevin Cabezon, 26 anyos, isang negosyante na residente ng Brgy. District 1, Cauayan City ang nawawalang pinsan na si Jason Cabezon, 30 anyos, may asawa at residente rin ng nasabing barangay.

Batay sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, personal na nagtungo ang nasabing negosyante sa himpilan ng pulisya upang humingi ng tulong sa nawawala nitong pinsan.


Ayon kay Kevin, nagsimulang mawala si Jason noong Oktubre 15, 2019 lulan ng isang Nissan Navarra Pick-Up, kulay itim, na may conduction sticker no. F2-D159 na pagmamay ari din ni Kevin.

Patungong Marikina City aniya ang kanyang pinsan na nakatakdang makipagtransaksyon sana sa bangko subalit hindi na nakabalik ang biktima at hindi na rin matawagan sa kanyang cellphone.

Napag alaman na huling nakita ang nawawalang biktima sa Bayan ng Echague, Isabela.

Facebook Comments