Lalaki na dating Tulak ng Droga, Arestado sa Buy-bust Ops

*Cauayan City, Isabela- *Nadakip ang isang lalaki na High Value Target sa ikinasang Drug buy-bust Operation ng mga awtoridad sa Brgy. Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Jay-R Reyes, 36 anyos, may asawa at residente sa nasbaing lugar.

Nahuli ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng PDEU, MDEU Bagabag PS, Nueva Vizcaya PPO at PDEA Nueva Vizcaya katuwang ang PDEA Reion 2 at nakumpiskahan ito ng iba’t ibang gamit sa iligal nitong gawain gaya ng apat (4) na pakete ng pinaniniwalaang shabu at P500.00 na buy-bust money.


Napag alaman pa na ang suspek na si Reyes ay dati na ring nahuli ng mga kapulisan sa kapareho nitong iligal na gawain

Nahaharap naman sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments