Lalaki na hindi maawat sa pangugulo, sinaksak ng isang babae

Sugatan ang isang magsasaka matapos itong pagsasaksakin sa Urdaneta City Pangasinan ng isang babae.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, ang biktima na kinilalang si William Domingo ay nangugulo umano sa Brgy. Dilan Paurido ng ito ay sinubukang awatin ng suspek na si Amanda Morales.
Dahil ayaw umanong magpapigil ng biktima at nagkainitan , kumuha ng matalim na bagay ang suspek at sinaksak ang biktima sa leeg at kamay.
Nang rumisponde ang awtoridad agad na naaresto si Morales.
Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek.

Facebook Comments